SALAMAT. . .
Sa mga araw na ikaw ay nariyan
Kung ako ay may dapat alalahanin
Sa mga kasiyahan, ika’y nariyan
Kahit na tayo’y may mga suliranin
SALAMAT. . .
Sa mga sandaling ikaw ay kasama
Sa lungkot at saya, ikaw ay kapiling
Sa mga oras ng mga pagsasaya
Ang iyong pagtawa ay napakaningning
SALAMAT. . .
Sa mga panahong tayo’y nagkasama
At ibinigay ang iyong kabutihan
Sa pagmamahal na iyong pinadama
At pagbibigay ng walang alinlangan
SALAMAT. . .
Sa mga alaalang iniwan sa’kin
Ito’y lubusan kong pahahalagahan
Dahil sa’yo, naging makulay ang buhay
Salamat sa pagsama sa aking buhay
SALAMAT. . .
Sa magulang kong nagmamahal ng lubusan
Sa mga kaibigang sumusuporta
Sa taong lubos kong minahal, salamat
Sa mga taong sa’kin nagpahalaga
SALAMAT. . .
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment